“Ang ating bansa ay lubos na pinagpala ng tanggapin natin si Kristo sa ating buhay. Ilang buwan na lamang at atin ng ipagdiriwang ang ika-Limang Siglo na kasama si Kristo. Bahagi ng paghahanda ay ang pagdiriwang ngayong buwan ng Oktubre, na tinaguriang Taunang Pandaigdigang Buwan ng Misyon o Annual World Mission Month.
Gawin nating misyon bilang mga Katoliko na magbigay ng pag-asa at ibahagi sa iba ang pagmamahal ni Kristo, lalo na ngayon panahon ng pandemya na nagdudulot ng kahirapan sa ating lahat.
Samahan niyo kami sa ika-sampu ng Oktubre para ipagdiwang ang ating pagtanggap sa salita ni Kristo. Sama sama nating gunitain ang paglago ng kanyang salita sa ating buhay.”